Saturday, June 26, 2010

dati



dati halos ayaw mo akong mawala sa paningin mo...
dati sa akin ka nagtatanong "anong ulam gusto mo"...
dati gustong gusto mung kahawak kamay ako kahit sa pagtulog...
dati pangalan ko ang sambit mu kapag nakalimutan mung mag dala ng towel sa banyo...
dati kapwa tayo excited umuwi upang makita ang isat-isa...
dati halos kulang ang oras upang tayo'y magkasama...
       halos kulang ang laro upang di pag-sasawaan
       halos kulang ang kumot kapag tayoy nag-haharotan...
dati, nung bago ang cell phone, palaging ubos ang load ka titext sa isat-isa...kahit palaging nagkikita...
dati, marami tayong mga plano upang mapanatili ang pagsasama, upang habang buhay ay nasa isat-isa...
dati, kahit betamax lang ayos na tayo...
dati, kahit 30min lunch break, pinagkakasya makasalo lang kita...
dati, kahit umuulan, akoy sinusundo para makasabay mu sa pag uwi...
dati..bukam-bibig natin..."i love you", mas malimit pa sinasabi key sa dasal ko sa maykapal....

...ngayon....

iba na ang kasama mu...
sya na ang kahawak kamay mu...
minsan nagkasalubong tayo, tila, matanaw mu  man lang  ako pilit iniiwasan...
iba na sinasabihan mu ng "I love you"...
minsan nakita ko pa kayo ang sweet2, ang sakit pala...

akala  ko...habambuhay na
akala ko tayo na talaga
akala ko maligaya na...
akala ko walang iba na talaga...

kung dati puro masaya...ngayong puro akala na lang  pala...



No comments:

Post a Comment