Naranasan mo na bang ma in love ng todo2 sa isang taong nadampot mu lang sa kung saniksanik? Alam mu bang kahit tanga ka, jackpot sila sa ‘yo? Hulog ka ng langit para sa kanila?
oo ... naranasan ko ring umibig sa isang taong putik…putik nga ba? ..siguro nga…
Ewan ko nga ba, minsan..sa aking kahapon…nakadampot ako ng basura…while making a u-turn back to my office dahil nakalimutan ko laptop ko….
While in the process of making the turn, mey tumawid na lalake cguro mga late teens, eating mane, while holding a plastic containing softdrink sa kanang kamay ... mga 5'6 height matipuno ... bukas ang driver’s side window ko, nakalabas ang kaliwang kamay kac naka yosi ako, kitang-kita ko talaga ang magandang hugis ng kanyang fez, impernes…nginitian nya ako…mapang akit ateh…
Ewan ko ba, cguro kinate ako ng time na un at ngumite rin ako at kinwayan ko sya ... tumabe ako next road and may I lapit sya ... dumungaw sya sa passenger side window ko at “hi and hello” kami… and the rest is history ...
Masarap syang kasama…not to mention ang mga “concert performances nya” sa “show”ko ate…ang sarap2 ng feelings ko kapag kasama ko sya…Ang dali kong ma in-love ate, sino naman ang hinde, very gentle man sya and not demanding, nag hihintay lang kung magkano ang givings ko sa kanya, hinde sya katulad ng mga fly-by-night guys whom I encountered, na kahit summer pa, humihinge na ng 13th month pay…kaya mu yun? ... or maybe part ito ng long term plan nya...basta, pakiramdam ko mahabang mahaba ang hair ko kapag sya ang kasama ko…
napadalas ang samahan at pagkikita namin. Halos “dedith Reyes” na (araw2 gabi2), I brought him to my boarding house at may I introduce ko sya sa landlady ko ... I-pinapakilala ko sya sa mga boardmates ko ..even to my closest of close friends ...minsan nga, kahit bawal, naghaharotan kami sa room ko… We have fun, really fun. Mataray ang land lady ko pero nagkasundo sila kasi talagang magaling syang kakwentuhan kahit sa mga walang kwentang bagay, masarap syang pakinggan
Hangang sa nagising na lang akong hanap hanap ko na sya ...feeling ko hinde buo ang room ko kung wala sya, napansin ko nalang na dumudugo na ang wallet ko...nagsimula lang sa pamasahe nya to school ... then, pati pang snacks at cell phone load nya( gf naman nya ang tinatawagan hinde ako-punyeta!). Ako na lahat, pate na sa inuman nang mga barkada nya ako na ang taya. Sponsorship galore ang byuti ko. Kulang na lang ang banner na nagsasaad…- "this Toma is brought to you by ..."
... hanggang sa napansin ko nalang…pati tuition fee nya ako na ang nag bayad…
Dumaan ang mga araw, lingo at buwan..kami pa rin…(kuno)…paano ko naman masabeng kami kung marami kami sa buhay nya, diba? Ano kaya tawag sa relationship na yon, partnership and corp? pero ako ang mey pinaka maraming shares of stock and investment?
Syempre naman, hinde perfect ang aming samahan, mey tampuhan kahit simpleng bagay or mali nya napapansin ko na. Ang pagsisinungaling, and hinde pagtupad sa mga simpleng pangako, ang pagtawag sa gf nya sa harapan ko, lintek! Pera ko ang pang load nya tapos ang punyetang babae ang nakinabang?
Napansin ko sinasaktan na nya ako. In all aspects- sa salita, (would you believe kahit sa pananahimik nya nasasaktan ako), sa gawa at sa mga hinde nya ginagawa.
I asked myself habang hawak ko ang isang bote ng beer with matching tears ...ito ba ang kabayaran sa mga kabutihan kung nagawa sa kanya? Sa sobrang pagmamahal ko sa lintek na hitad na yan? Oo nga naman, hinde naman nya sinabeng mahal nya ako, kung mey nasabe man sya, alam ko napilitan lang sya, So bakit ako umaasa? Babae ba ako? ...Tinanong ko sya ule…”do you love me” alam mu ba anong sagot nya?...sabe nya “hon, kain na tau, baka gutom ka na”…..
Minsan ti-next nya, ako-“free ka ba ngayon?” ...wow, excited ako, imagine, he’s the one asking now for a date?…sagot ko “bakit?” Si mama kac, inutusan akong bilhan ng notebook younger sis ko…natuwa naman ako at least, feeling ko gusto na nya akong I date…yun pala para ako ang mgbayad sa school supplies na kailangan “nila”…
All of this, Inilihim ko sa mga friends ko cuz ayokong pagtawanan ...palabas ko pa naman sa kanila, mabait ang bf ko, tinutulongan ako,..
Until, sinorpresa ko syang bisitahin…hinde kaagad nya ako napansin ...kasi busy syang nakipagkwentohan sa mga ka berks nya ...
Isa sa kanila tinanong sya ... "tol, bat mu naman pinapaasa ang bading at pinatulan mu pa, mabait pa naman sya sa yo, gayong sinabe mu wala ka talagang feeling sa kanya”,
"Tol, sagot nya ...ang bading hulog ng langit yan sa mga lalakeng maswerte….saan ka ba nakakakita ng kahit di mu sila mahal,kusa ka nilang mahalin? kahit di ka gutom, pilit ka nilang pinapakain? piso lang ang kailangn mu pero bigyan ka ng sandaan!…kahit natulungan mu lang ng konte, ikaw na si superman!…tol, bobo talaga ang mga bading ano?” At kung ayawan ko yan, eh, di, mas bobo ako di ba?...Baboy talaga ng mga bading ano?
Siguro nga bobo ako, at pilit akong nagpaka bulag at bingi sa lahat ng mga katotohanan, dahil na pamahal na sa akin ang lintek na opurtunista na yan! Siguro nga BABOY talaga ako kasi damang dama ko ang pagka PUTIK mo! At kung itutuloy ko ang kahibangan na to ako na ang pinaka BOBO sa mundong ito.
Sa huling pagkikita namin, nag u-turn na naman ako, umiyak at tahimik na umalis at sinabe ko sa sarili ko hinde na ako "magpakabobo" ...
No comments:
Post a Comment