Saturday, July 17, 2010

paano mangligaw...

Kung nasanay ka na nagka-syota ka dahil sa M.U. (mutual understanding) then ang panliligaw ang isa sa pinaka-challenging na gawain, sa tutuo lang.   Sa M.U. naman kasi, tinginan lang ng malagkit, ayos na.  Walang masyadong kiyeme.  Gusto kita.  Gusto mo ako.  Mag-syota na tayo.  Ganun kadali.  Pero kung manliligaw ka, sangkaterbang pawis, luha at dugo ang katapat.  Papano ba talagang manligaw?  Ito ang pwede mong gawin:
  1. Magpakita agad ng motibo. Kung may gusto ka then magparamdam ka agad.  Huwag nang pa-tweetums at hindi ka bagay.  Isa pa hindi manghuhula yang liligawan mo.  And take note, yung pagpaparamdam hindi ibig sabihin na magiging stalker ka.  So dapat cool ka lang.  As if nothing pero malalim ang dating.
  2. Makipagkaibigan ka muna. Mas magiging madali pag may common friends kayo dahil mas easier ang getting-to-know-each-other portion.  No pressure dapat.  Huwag magmadali.  Friends muna.  Get them to trust you first and foremost.  So yung mga actuations mo dapat parang friend lang muna.  Iwasan yung mga titig na para kang adik.
  3. Bigyan mo sya ng extra attention. Kung thoughtful ka sa mga friends mo – triplehin mo ang pagiging maaalalahanin sa nililigawan mo.  Dapat text mo ang gigising sa kanya at text mo ang magpapatulog sa kanya.  And word of advice:  Sincere ka dapat sa mga actions mo.  Nababasa ang kaplastikan, no!
  4. Kaibiganin mo ang kapamilya nya. As much as possible show your good side always sa pamilya nya.  Not to the point of bribing them naman.  Pag ini-invite mong syang manood ng sine at gustong sumama ng younger kapatid nya, by all means, umuo ka agad.  Be ready sa budget mo kasi may extra kang papakainin.  Sa date na ganito, give more special attention sa chaperone.  Extra points yan.
  5. Best foot forward – all the time. Kahit iritado ka na.  Kahit naiinis ka na.  Kahit nauubos na ang pasensya mo.  Smile ever pa rin.  Huwag magpahalatang napapagod ka na.  Kasi kung talagang mahal mo yan kahit ano pang pagdadaanan mo oks lang.  Saka ka na magyawyaw pag sinagot ka na nya.  That would be a great conversation piece!
  6. Kung makaka-afford ka give ka ng regalo. Hindi kailangang mamahalin.  Ang importante eh magagamit nya ang ibibigay mo.  Para malaman mo ang size ng tee-shirt or blouse nya or waistline nya, ask a common friend to do it for you.  Kung gusto mo namang sekretuhin na walang makakaalam na bibigyan mo sya ng regalo then eto yung pwede mong linya:  “Ganda naman ng shirt/blouse/pants mo… medium ba ito?  Bagay talaga sayo.” More often than not sasagot yan.
  7. School bus dapat ang role mo. Kung kaya ng schedule mo, mainam na hatid-sundo ang drama mo sa kanya.  That way, mapapabilib mo syang talaga.  Kung may overtime sya sa work, hintayin mo talagang matapos saka ihatid mo.  Kung late na natatapos ang class nya, be at the gate fifteen minutes before.  Di naman kailangang may sasakyan ka pero pogi points pag meron.
  8. Remember the special days. Dapat alam mo by heart kung kelan ang birthday nya.  Importante din na alam mo ang class schedule nya or ang oras ng office hours nya.  Itong mga information na ito isini-share lang yan sayo pag kampante na sya sayo.  Kaya kapag shinare na yan then wag na wag mong kakalimutan.
  9. Food.  Food.  Food. The best way to somebody’s heart is thru their stomach.  Hindi kailangang fancy restaurants.  Kahit barbecue lang oks na yan.  Siempre dapat malinis at masarap din ang food.  Treat your nililigawan as often as possible.  Kasi kapag kumakain kayo mas relaxed ang atmosphere at dyan ka pwede tumodo sa panliligaw mo.
  10. Dapat perfect ang timing mo. Tantyahin mo ang situation.  Kasi pag medyo tumatagal na ang panliligaw mo eh dapat malaman mo na kung may pag-asa ka.  Dito talagang masusubok kung magaling kang tumantya.  Kung di mo kayang sabihin ng face to face then i-text mo na lang.  Dalawa ang pwedeng mangyari dyan:  Sasabihin nyang hindi ka talaga nya magustuhan or sasagutin ka nya.  Pero may isang pwedeng mangyari din:  Hihingi pa ng more time yan.  At pag ito ang sagot nya nasa 50% ka na… gusto ka na rin nyan.
Siempre itong mga ito, base on experience no.  Kaya wag nang magtaas ng kilay dyan.  May mga panliligaw din akong naunsyami.  Merong successful din naman.  Meron ding nabitin at meron din ongoing.  Bahala na nga lang si Batman.  Good luck na lang sa panliligaw nyo.  Yun lang.

Tuesday, July 6, 2010

paano mu malaman kung sya ay bading...








Ilang beses na bang naunsyami ang tibok ng puso mo.  Sa panahon ngayon hindi mo na agad makikilala kung sino ang tunay at sino ang paminta.  Meron na din kasing machong bading.  Kung titingnan mo ay kalaki-laki ng muscles at matipuno talaga ang katawan pero pag nabuking sobra pa kung kumembot sa babae.  Hetong mga dapat mong pansinin sa mga lalake ngayon para malaman mo kung bading ba sila o hindi:
  1. Mag-ingat ka sa masyadong tahimik.  Kunyari aloof-type sya.  Kunyari loner sya.  Tigilan ako ng mga loner loner na yan.  Kaya nagpapaka-tahimik ever ang mga yan kasi ayaw nilang mabuking sila.  Ang motto nila:  Less talk, less buking.
  2. Metrosexual daw sila kaya allowed silang mag-iinarte sa pananamit at pagkilos.  Utang na loob.  Ang tunay na lalake walang pakealam kung anong itsura nila.  Magduda ka na kung palaging may clutch bag na bitbit ang guy.  Ang laman nito, pabango, pulbos at lip-balm.  Potek na pa-metrosexual epek na yan.  Bayot yan.
  3. Tingnan mo ang istilo ng mga relo nila.  Pansinin mo.  Kung tuwing lumalabas eh paiba-iba ng relo at kung anik-anik na istilo – bayot yan.  Kung tunay kang lalake may care ka pa ba na dapat mag-match ang damit mo sa suot mong relo?  Haleerr!
  4. Imbitahin mong gumimik.  Pag sumuot ng sleeveless shirt yan, kumaripas ka na ng takbo.  Yan ang kasuotan ng macho gay – mga bayot na pa-macho effect pa kuno.  Kung di man sleeveless na shirt, malamang body-fit na teeshirt at maong ang suot nyan.  Magduda ka na, ateng!
  5. Pansinin mo kung sinong tinititigan nyan ng malagkit kapag nasa pasyalan — eh di yung mga nagliliwaliw na pogi sa paligid.  Pag nasa mall kayo at panay punta ng comfort room, naku, ‘day lumuhod na yan ng walang belo.
  6. Ang boses!  Ang boses ang numero unong dapat mong pansinin.  Baritone ba kamo?  Sobra bang lalim?  Tapunan mo ng ipis tingnan ko lang kung di titili ang bayot na yan.
  7. Sino bang mga kabarkada nyan?  Hindi porke’t lalake ang palaging kasama nyan eh tunay na lalake na din sya.  Magduda ka kung mas enjoy syang makipag-swimming sa mga barkada nyang lalake kesa sa inyo mga naka-bathing suit na babae.
  8. Skin-head ba kamo ang lalakeng type mo?  Tapos balbas-sarado?  Good luck na lang sayo.  Yang ang pinaka-simpleng paraan para pagtakpan ang feeling pa-girl ni fafa.  Pa-macho image kuno pero hayok na hayok din pala sa kapwa mhin.
  9. And obviously kung wala pa ring syotang babae o asawa ang isang lalakeng lampas na ng 30 years old, magduda ka na.  Am I saying na magduda ka na din sa mga pari?  Well, nobody’s perfect.  Sana nga lang magpakatino na ang bading na pari at wag nang maghasik ng lagim.  Otherwise, tigilan na ang pagiging pari nila, no! Pronto!
  10. Pero hindi porke’t may asawa’t anak na ang isang lalake eh true na mhin na sya.  Am sure mahuhuli at mahuhuli din nyo ang kabayutang pinagkakatago-tago ng mga yan.  Sino bang barkada nyan?  Saan ba nagpupupunta sa gabi?  Bakit iritable lagi pag ikaw ang kasama?  Hay naku, isang malaking good luck sa inyo.
O ayan ha!  Siguro naman hindi na kayo magkakamali sa pagpili ng sasagutin.  Although pwede rin naman mali ang sapantaha ko.  Basta ako alam ko kung sino ang true at kung sino ang false.  Been there.  Done that.  Yun lang.

Friday, July 2, 2010

mabuti pa nung bata pa ako...






Mabuti pa nung bata, masaya
Simple lang ang buhay
Simple lang ang gusto
Maibigay man o hindi
Tuloy lang ang ikot ng mundo
Mabuti pa nung bata, masaya
May bespren ka lang, okay na
Samahang walang kondisyon
Laro dito.  Laro doon.
Minsan may tampuhan
Pero andaling magkabalikan
Mabuti pa nung bata, masaya
Hindi importante and materyal na bagay
Laruang kahoy.  Eroplanong papel.
Piniritong saging. Maligamgam na tubig.
Walang kaartehan.
Kung anong meron di ipinagmamaramot
Mabuti pa nung bata, masaya
Walang stress
Walang tensyon
Walang problema
Walang syota.
Walang quota.
Enjoy enjoy lang.
Pero ngayon na tumanda na ako
Naiba na
Mas okay ang mas bata saken
Masarap!
Laban ka?
Akala nyo, emo nanaman no?
Hahahahahaha!

bobo nga ba ang mga bakla?




Naranasan mo na bang ma in love ng todo2 sa isang taong nadampot mu lang sa kung saniksanik? Alam mu bang kahit tanga ka, jackpot sila sa ‘yo? Hulog ka ng langit para sa kanila?


oo ... naranasan ko ring umibig sa isang taong putik…putik nga ba? ..siguro nga…

Ewan ko nga ba, minsan..sa aking kahapon…nakadampot ako ng basura…while making a u-turn back to my office dahil nakalimutan ko laptop ko….

While in the process of making the turn, mey tumawid na lalake cguro mga late teens, eating mane, while holding a plastic containing softdrink sa kanang kamay ... mga 5'6 height matipuno ... bukas ang driver’s side window ko, nakalabas ang kaliwang kamay kac naka yosi ako, kitang-kita ko talaga ang magandang hugis ng kanyang fez, impernes…nginitian nya ako…mapang akit ateh…

Ewan ko ba, cguro kinate ako ng time na un at ngumite rin ako at kinwayan ko sya ... tumabe ako next road and may I lapit sya ... dumungaw sya sa passenger side window ko at “hi and hello” kami… and the rest is history ...

Masarap syang kasama…not to mention ang mga “concert performances nya” sa “show”ko  ate…ang  sarap2 ng feelings ko kapag kasama ko sya…Ang dali kong ma in-love ate, sino naman ang hinde, very gentle man sya and not demanding, nag hihintay lang kung magkano ang givings ko sa kanya, hinde sya katulad ng mga fly-by-night guys whom I encountered, na kahit summer pa, humihinge na ng 13th month pay…kaya mu yun? ... or maybe part ito ng  long term plan nya...basta, pakiramdam ko mahabang mahaba ang hair ko kapag sya ang kasama ko…



napadalas ang samahan at pagkikita namin. Halos “dedith Reyes” na (araw2 gabi2),  I brought him to my boarding house at may I introduce ko sya sa  landlady ko ... I-pinapakilala ko sya sa mga boardmates ko ..even to my closest of close friends ...minsan nga, kahit bawal, naghaharotan kami sa room ko… We have fun, really fun. Mataray ang  land lady ko pero nagkasundo sila  kasi talagang magaling syang kakwentuhan kahit sa mga walang kwentang bagay, masarap syang pakinggan

Hangang sa nagising na lang akong hanap hanap ko na sya ...feeling ko hinde buo ang room ko kung wala sya, napansin ko nalang na  dumudugo na ang wallet ko...nagsimula lang sa pamasahe nya to school ... then, pati pang snacks at cell phone load nya( gf naman nya ang tinatawagan hinde ako-punyeta!).  Ako na lahat, pate na sa inuman nang mga barkada nya ako na ang taya.  Sponsorship galore ang byuti ko. Kulang na lang ang banner na nagsasaad…- "this Toma is brought to you by ..."

... hanggang sa napansin ko nalang…pati tuition fee nya ako na ang nag bayad…

Dumaan ang mga araw, lingo at buwan..kami pa rin…(kuno)…paano ko naman masabeng kami kung marami kami sa buhay nya, diba? Ano kaya tawag sa relationship na yon, partnership and corp? pero ako ang mey pinaka maraming shares of stock and investment?

Syempre naman, hinde perfect ang aming samahan, mey tampuhan kahit simpleng bagay or mali nya napapansin ko na.  Ang pagsisinungaling, and hinde pagtupad sa mga simpleng pangako, ang pagtawag sa gf nya sa harapan ko, lintek! Pera ko ang pang load nya tapos ang punyetang  babae ang nakinabang?

Napansin ko sinasaktan na nya ako. In all aspects- sa salita, (would you believe kahit sa pananahimik nya nasasaktan ako), sa gawa at sa mga hinde nya ginagawa.

I asked myself habang hawak ko ang isang bote ng beer with  matching tears ...ito ba ang kabayaran sa mga kabutihan kung nagawa sa kanya? Sa sobrang pagmamahal ko sa lintek na hitad na  yan? Oo nga naman, hinde naman nya sinabeng mahal nya ako, kung mey nasabe man sya, alam ko napilitan lang sya,  So bakit ako umaasa? Babae ba ako? ...Tinanong ko sya ule…”do you love me” alam mu ba  anong sagot nya?...sabe nya “hon, kain na  tau, baka gutom ka na”…..

Minsan ti-next  nya, ako-“free ka ba ngayon?” ...wow, excited ako, imagine, he’s the one asking now for a date?…sagot ko “bakit?” Si mama kac, inutusan akong bilhan ng notebook younger sis ko…natuwa naman ako at least, feeling ko gusto na nya akong I date…yun pala para ako ang mgbayad sa school supplies na kailangan “nila”…

All of this, Inilihim ko sa mga  friends ko cuz ayokong pagtawanan ...palabas ko pa naman sa kanila, mabait ang bf ko, tinutulongan ako,..


Until,  sinorpresa ko syang bisitahin…hinde kaagad nya ako napansin ...kasi busy syang nakipagkwentohan sa mga ka berks nya ...

Isa sa kanila tinanong sya ... "tol, bat mu naman pinapaasa ang bading  at  pinatulan mu pa, mabait pa naman sya sa yo, gayong sinabe mu wala ka talagang feeling sa kanya”,

"Tol, sagot nya ...ang bading hulog ng langit yan sa mga lalakeng maswerte….saan ka ba nakakakita ng kahit di mu sila mahal,kusa ka nilang mahalin? kahit di ka gutom, pilit ka nilang pinapakain? piso lang ang  kailangn mu pero bigyan ka ng sandaan!…kahit natulungan mu lang ng konte, ikaw na si superman!…tol, bobo talaga ang mga bading ano?” At kung ayawan ko yan, eh, di, mas bobo ako di ba?...Baboy talaga ng mga bading ano?


Siguro nga bobo ako, at pilit akong nagpaka bulag at bingi sa lahat ng mga katotohanan, dahil na pamahal na sa akin ang lintek na opurtunista na yan! Siguro nga BABOY talaga ako kasi damang dama ko ang pagka PUTIK mo! At kung itutuloy ko ang kahibangan na to ako na ang pinaka BOBO sa mundong ito.

Sa huling pagkikita namin, nag u-turn na naman ako, umiyak at tahimik na umalis at sinabe ko sa sarili ko hinde na ako  "magpakabobo" ...